Inamin ng Kapuso actress na si Katrina Halili na sinubukan niyang magpaalam sa GMA noon sa gitna ng intrigang kinasangkutan niya.
Vous n'êtes pas connecté
Bago mabuo ang mga kilalang love teams tulad ng BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) at RuCa (Ruru Madrid at Bianca Umali), maraming dating young Kapuso pairs ang tinangkilik ng fans sa iba't ibang shows ng GMA. Isa sa mga kiniligan noon ang Kapuso duo na sina Ruru Madrid at Barbie Forteza, na nagtambal sa ilang proyekto. Sa pinakabagong episode ng GMA Public Affairs cooking talk show na Lutong Bahay, maraming viewers ang nagulat sa mga ni-reveal ni Ruru Madrid sa kuwentuhan nila ng host na si Mikee Quintos. Isa sa mga inamin niya ay dati niya raw niligawan noon ang Kapuso Primetime Princess. " (Sino) niligawan mo or binasted ka?" tanong ni Mikee. "14 or 15 lang yata ako, si Barbie [Forteza]," sagot ni Ruru. "14 ako, niligawan ko siya. Ginawa ko binigyan ko siya ng tsinelas. 'Di ko alam 'yung size niya," dagdag niya. RELATED CONTENT: Balikan ang love teams at pairs na nagpakilig sa Kapuso fans noong 2023: Nilinaw rin ng Lolong star na magkaibigan na sila ngayon ni Barbie. Aniya, nakakatuwa rin na kaibigan niya ang Kapuso aktor na si Jak Roberto, at close naman ang Pulang Araw star sa kanyang real-life partner na si Bianca Umali. Bilang karagdagan sa mga usapin ng pag-ibig, ibinunyag din ni Ruru Madrid ang ilang detalye tungkol sa kanyang buhay at karera. Inamin niyang minsang naging kampante siya sa kanyang trabaho bilang artista, kaya't tila umabot sa punto na nag-plateau ang kanyang career. "Hindi yumabang, pero parang wini-wing ko na lang 'yung mga ginagawa ko. Parang iniisip ko na wala na makakapigil sa akin na kahit matupad ko na mga pangarap ko, kahit hindi ko masyado ginagalingan itong ginagawa ko. Lagi ako gumigimik, lumalabas ako, hindi ko masyado sineseryoso mga ginagawa ko. Nakampante," pahayag ni Ruru. Maliban sa Lutong Bahay, malapit na ring mapanood muli ang Action Hero sa number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show na Lolong. Sa bagong sequel, pinamagatan itong Lolong: Bayani ng Bayan. Sunod na mapapanood si Ruru Madrid sa pelikulang Green Bones, ang official entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 2024 Metro Manila Film Festival. Kasama niya sa pelikula ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo at iba pang talented actors tulad nina Alessandra De Rossi, Iza Calzado, Kylie Padilla, at Sienna Stevens. RELATED CONTENT: Check out 15 of Ruru Madrid's hottest photos in the gallery below:
Inamin ng Kapuso actress na si Katrina Halili na sinubukan niyang magpaalam sa GMA noon sa gitna ng intrigang kinasangkutan niya.
Aired (October 24, 2024): Tuluyan nang kukunin ni Yuta (Dennis Trillo) ang puri ni Teresita (Sanya Lopez) dahil sa kanyang labis na galit matapos siya...
Aired (October 31, 2024): Tuluyan na nga bang magwawakas ang buhay ni Julio (Epy Quizon) matapos siyang barilin ni Akio (Jay Ortega) dahil sa kanyang...
Pinost ni Barbie Imperial ang mga natanggap na donation na ipadadala niya sa Libon, Albay at galing sa mga kaibigan at fans niya. Makikita na pati ang...
Aired (October 24, 2024): Mawawala ang paggalang at respeto ni Yuta (Dennis Trillo) kay Teresita (Sanya Lopez) dahil ipaparanas na niya rito ang...
Aired (October 31, 2024): Tila lalong tumitindi ang galit ni Chikara (Jacky Woo) sa kanyang mga kapwa Hapones dahil nilagay ng mga ito ang buhay ni...
Aired (October 31, 2024): Muling gagamitin ni Yuta (Dennis Trillo) ang katawan ni Teresita (Sanya Lopez) bilang kabayaran sa pansamantalang kapayapaan...
Aired (October 24, 2024): Sa kabila ng mga paraan na ginawa ng mga Hapones upang ilayo si Hiroshi (David Licauco) ay nakarating pa rin ito sa oras na...
Papayag nang maging espiya para sa mga guerilla si Adelina (Barbie Forteza). Samantala, may balak si Teresita (Sanya Lopez) kay Col. Yuta Saitoh...
Aired (October 31, 2024): Tila nilagay ni Julio (Epy Quizon) ang kanyang sariling buhay sa kapahamakan matapos niyang siraan ang mga Hapones sa harap...